Mga stall owners at vendors sa Valenzuela City, sumailalim sa libreng RT-PCR test

42

Sumailalim kamakailan sa RT-PCR test ang mga stall owners at vendors sa Valenzuela City.

Mula sa dalawang pribadong pamilihan ng District 1 at 2 sa Valenzuela City ang mga sumailalim sa COVID-19 testing.


Ayon sa Valenzuela City Local Government Unit, libre ang isinagawang swab test sa mahigit 60 vendors ng Malinta Talipapa at 25 vendors ng J. Delos Reyes Talipapa sa Brgy. Gen. T. de Leon ng lungsod.

Bahagi ng pagbibigay tulong ng lokal na pamahalaan ang libreng swab test sa mga vendors at stall owners dahil palaging humaharap ang mga ito sa maraming tao.

Facebook Comments