Mga sumailalim sa libreng swab testing sa Maynila, umabot na sa mahigit 18,500

25

Umabot na sa 18,507 na mga indibidwal ang sumailalim sa free mass swab testing para sa mga market vendors, mall workers, hotel employees at mga public transport drivers sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa huling tala ng Manila Health Department o MHD ay nasa 51,082 naman ang kabuuang bilang ng mga na-swab test sa anim na district hospitals ng siyudad.


Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, layunin ng targeted mass swab testing na mabigyan ng kapanatagan ang mga mamimili at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lungsod na nagtatrabaho araw-araw.

Bukod dito ay pagkakalooban din ng Manila City Government ng food assistance ang mga pamilya ng mga empleyado, nagtitinda o driver na mag-popositibo sa naturang swab test.

Facebook Comments