Mga sundalo at grupo ni ASG leader Radulan Sahiron muling nagkasagupa sa Patikul, Sulu

1068

Nagkasagupa muli ang tropa ng militar partikular ang 2nd Special Forces Battalion at nasa 15 tauhan ni Abu Sayyaf Group (ASG) lider Radulan Sahiron sa Brgy. Langhub, Patikul, Sulu.

Sa ulat ni 2Lt. Jerrica Angela Manongdo, Tagapagsalita ng Joint Task Force (JTF) Sulu, alas -10:00 ng umaga kanina nang muling nagkasagupa ang mga sundalo at Abu Sayyaf.


Nagtagal ng 15 minuto ang sagupaan na nagresulta sa pagkakarekober ng isang M16 rifle, charging handle at firing mechanism ng isang M16, backpacks, cellphones at combat boots.

Sa ngayon, patuloy ang hot pursuit operations ng militar laban sa mga nakasagupang mga bandido.

Facebook Comments