Mga sundalo at kanilang dependents may libreng sakay at diskwentro sa malls bukas (Independence Day)

Magkakaroon ng diskwentro sa mga malls at libreng sakay sa mga pampublikong sasakyan gaya ng MRT at LRT ang mga sundalo at kanilang dependents bukas ( Araw ng Kalayaan).

Ayon kay AFP Public Affairs office Chief Col Noel Detoyato may 70 percent discount angĀ  ilang selected items sa isangĀ  sikat na mall ang mga sundalo at kanilang dependents.

Ipinagpasalamat naman ito ng mga sundalo sa mga Filipino at mga organisasyon na patuloy na sumusuporta sa AFP.


Kabilang rin sa makaka avail ng diswentro at libreng sakay ang mga retiradong sundalo at beterano.

Tiniyak ng AFP na ipagpapatuloy nila ang kanilang misyon na protektahan ang bansa laban sa mga mananakop at manggulo.

Hinikayat rin ng AFP ang lahat ng Filipino na aktibong makiisa sa pagprotekta sa bansa bilang bahagi ng tinatamasangĀ  kalayaan.

Facebook Comments