Mga sundalo at sibilyang kabilang sa PH Dragon Boat team, muling sumabak sa Int’l tournament

Nakasungkit ang Philippine Dragon Boat team ng silver at bronze medal sa kakatapos lamang na 14th International Dragon Boat Federation World Championship na isinagawa sa Pattaya, Thailand.

Ayon kay Lieutenant Colonel Harold Cabunoc, ang team manager ng Philippine Dragon Boat tea, ang silver medal ay nakuha nila sa kategoryang Small Boat 200 meter seniors.

Habang bronze medal ay nasungkit nila sa kategoryang 2,000 meters event nitong August 21.


Sa kabila na hindi nakakuha ng gold medal sinabi ni Lieutenant Colonel Cabunoc na ang mahalaga ay naipakita ng Philippine Delegation sa buong mundo ang kanilang best performance na para sa kanya ay literal na do o die attitude in action.

Matatandaang taong 2011 limang gold medal ang naiuwi ng Philippine Dragon Boat team sa ginanap na world championship sa Florida.

Dalawang gold medal naman sa ginanap na World Club Crews Dragon Boat Championships sa Italy noong 2014 at 4 golds sa Australia noong 2016.

Ang team ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF), ay binubuo ng 24 na sundalo, 2 airmen at 5 civilian athletes.

Facebook Comments