Sunday, July 12, 2026

Mga sundalo ng Pilipinas at Malaysia, sinimulan na ang training activity

Pinalakas ng Philippine Army at Malaysian Army ang kanilang ugnayang pangdepensa at interoperability matapos na simulan ang Malaysian-Philippine Army Training Activity Land (MALPHI) 24/2026 sa Mawab, Davao de Oro nitong June 1, 2026.

Ang MALPHI ay taunang bilateral training activity na salitang ginaganap sa Pilipinas at Malaysia.

Ngayong taon, nakatutok ang nasabing pagsasanay sa territorial defense at counter-insurgency warfare operations sa pamamagitan ng palitan ng kaalaman sa warfighting functions at pagsasagawa ng combined arms missions.

Kung saan tig-20 sundalo mula sa iba’t ibang unit ng 10th Infantry Division ng Philippine Army at Malaysian Army ang lumahok sa nasabing aktibidad.

Tiniyak naman ng Philippine Army ang patuloy na pakikipagtulungan at ugnayan nito sa mga ASEAN partners ng bansa para paigtingin ang interoperability at malakas na regional defense cooperation.

Facebook Comments