Mga sundalo, walang break o bakasyon ngayong Semana Santa

29

Manila, Philippines – Walang bakasyon o hindi titigil sa pagtatrabaho ang mga sundalo ngayong Semana Santa.

Ito ang utos ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa hanay ng Sandatahaang Lakas ng Pilipinas sa harap ng unti-unti ng pagdagsa ng tao sa mga bus terminals, paliparan at iba pang matataong lugar ngayong Holy Week.

Ayon kay Año sa panahong ito ay mas alerto ang buong tropa ng militar para matiyak ang kaligtasan ng mga makikiisa sa paggunita ng Semana Santa.

Nanawagan naman si Año sa publiko na ipagdasal silang mga sundalo habang ginagampanan ang kanilang trabaho.
Sa ngayon, nanatiling nasa normal alert status ang AFP habang mahigpit ang kanilang ugnayan sa Philippine National Police para pagtulungan ang pagbabantay sa publiko ngayong Semana Santa.
Nation”

Facebook Comments