Mga sundalong kasama sa Marawi operations, hindi dapat sisihin kaugnay sa pumalpak na airstrike

73

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson na hindi ngayon ang tamang oras para hanapin ng pagkakamali ang bawat isa, lalo na ang mga kasama sa operasyon sa Marawi City.

Ang pahayag ay ginawa ni Lacson, matapos masawi ang 11 sundalo at masugatan ang pito sa kanilang kasamahan matapos tamaan ng airstrike ng militar sa Marawi.


Ang makabubuting gawin, ayon kay Lacson ay magdasal at papurihan ang mga sundalong nagbubuwis ng buhay.

Sabi ni Lacson, anuman ang dahilan ng kanilang kamatayan, ang mga sundalong nasawi ay tunay na mga bayani.

Ayon kay Lacson, dapat hayaan ang Armed Forces of the Philippines na gawin ang kanilang trabaho at kasama diyan ang pag-iimbestiga kaugnay sa nasabing airstrike.
DZXL558

Facebook Comments