Mga sundalong nagbabantay sa mga Quarantine Checkpoints, nakatanggap ng chicken joy mula sa isang fast food restaurant sa ilang lugar sa Northern Mindanao

260

Nakatikim ng chicken joy ang mga sundalong nakatalaga sa mga quarantine checkpoints sa ilang lugar sa Northern Mindanao.

Ito ay matapos na magdonate ang may-ari ng isang kilalang fast food restaurant sa Northern Mindanao.


Ayon kay 403rd Brigade ng 4th Infantry Division Spokesperson Captain Rene Belmonte Jr., 800 piraso ng chicken joy ang naibigay sa mga sundalong nasa quarantine control points sa Bukidnon.

Nagbigay rin ng 70 piraso ng chicken joy na pinadala sa mga sundalong nasa tropa 58th Infantry Batallion ng Philippine Army East Misamis Oriental.

Bukod sa chicken joy, nakatangap rin ng chicken mang inasal ang 18 mga sundalong miyembro ng Task Force Oro na nagmamando ng quarantine checkpoint sa Cagayan De Oro.

Nagpasalamat naman si 403rd Brigade Commander Col. Ferdinand Barandon sa mga ibinigay na pagkain sa kanyang mga tauhan.

Sinabi nitong masaya sila sa mga pagkaing ibinigay at mas tumaas ang kanilang morale dahil sa suportang ipinapakita ng mga pribadong kompanya sa mga fronliners na katulad nila.




Facebook Comments