Mga suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte, nangangahulugang marami itong nagawa sa kanyang termino

Pinapatunayan lamang ng mga pahayag ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte na marami itong nagawa sa kaniyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa at marami pa itong magagawa.

Reaksyon ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasunod ng sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na handa siyang i-adopt ang pangulo bilang guest candidate sa kanilang senatorial slate.

Sinabi rin ng alkalde na iboboto niya ang pangulo at isang karangalan sakaling mapabilang si Pangulong Duterte sa kanilang senatorial line up.


Ayon kay Secretary Nograles, patunay lamang ito ng kumpiyansa ng mga Pilipino na sa oras na mabigyan ng pagkakataon ang pangulo na makapaglingkod sa Senado ay maipagpapatuloy niya ang lahat ng nasimulan na ng kaniyang administrasyon.

Facebook Comments