Mga suspek na naloob sa isang beauty parlor sa Daraga Albay, tinutugis na ng mga otoridad

18

Manila, Philippines – Tinutugis na ng mga otoridad ang mga suspek na nanloob sa isang beauty parlor sa barangay Market Site, bayan ng Daraga, Albay.

Humigit-kumulang 80,000 pesos ang tinangay sa parlor na pagmamay-ari ng isang Ligaya Navarrez.

Sa ulat, pumasok ang mga kawatan sa ikalawang palapag ng naturang beauty parlor at binitbit palabas ang isang itim na shoulder bag na naglalaman ng mga mahahalagang gadget at bagay.

Samantala, nadiskubre na nakabukas ang pinto sa naturang bahagi ng bahay kaya’t malayang nakapasok ang mga kawatan.
Nation

Facebook Comments