Mga suspek sa pagbagsak ng Malaysian Airline Flight MH17, tinukoy na!

Inilabas na ng Dutch prosecutors ang mga pangalan ng mga nasa likod ng pagpapabagsak ng Malaysian Airline Flight MH17.

Tatlong Russian at isang Ukrainian ang siyang nanguna sa pagpabagsak ng eroplanong mula Amsterdam patungong Kuala Lumpur noong July 2014.

Sa ibinunyag ng Dutch-Led Joint Investigation, kinilala ang mga ito na sina Igor Girkin, Sergei Dubinsky, Oleg Pulatov na pawang mga taga Russia at isang Ukrainian na si Leonid Kharchenko.


Naglabas na ng international arrest warrant kung saan magsisimula sa March 9, 2020 ang pagdinig sa kaso.

Unang lumabas sa imbestigasyon ng Dutch Safety Board na tinamaan ng BUK missile ang nasabing eroplano para ito ay tuluyang mawasak sa ere.

Facebook Comments