Mga suspek sa pagpatay kay Retired General Wesley Barayuga, sasampahan ng kaso ng NBI sa susunod na buwan

Target ng National Bureau of Investigation (NBI) na masampahan ng kaso sa susunod na buwan ang mga suspek sa pagpatay kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary at retired General Wesley Barayuga noong Hulyo 30, 2020.

Sa pagdinig ng House Quad Committee ay inihayag ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na sa loob ng dalawa o tatlong linggo ay matatapos na ang imbestigasyon sa Barayuga slay.

Sabi ni Lavin, hinihintay na lang din nila ang resulta ng forensic examination sa mga gadget na ibinigay sa kanila ng asawa ni Barayuga.


Ang pagpaslang kay Barayuga ay kasama sa binusisi ng Quad Committee makaraang isiwalat sa pagdinig ni Police Lt. Col. Santi Mendoza na siya ang naghanap ng hired killer nito.

Facebook Comments