Mga suspek sa panloloob sa supermarket sa Cauayan City, tukoy na!

Manila, Philippines – Kilala na ang apat na suspek sa pagnanakaw sa loob ng isang supermarket sa Calico, Cauayan City Isabela.

Ayon sa selling supervisor na si Jinggirl Bauat – pagbungad palang niya ay nagulat at napasigaw sila dahil sa maraming footprints na nakita nila.

Sa kuha ng CCTV, makikitang gumapang ang tatlong lalaki palabas ng pharmacy section deretso sa vault at dito nila natangay ang 300,000 pesos na kita ng supermarket.


Ayon kay s/Insp. Esem Galiza, PNP Cauayan Pio – nakilala ang mga magnanakaw sa tuloing ng tricycle driver na kanilang sinakyan.

Sa ngayon ay hindi muna pinangalanan ang mga suspek dahil patuloy pa ang pagtugis sa kanila.

Inaalam din ng mga pulis kung sila ang sangkot sa panloob sa isang bangko sa Ilagan City at isang grocery sa Echague City nung mga nakaraaang buwan.
DZXL558

Facebook Comments