Mga suspek sa Rent-Tangay Scheme, inilagay na sa Immigration Look out Bulletin ng DOJ

8

MANILA, PHILIPPINES – Inilagay na sa Immigration Lookout Bulletin Order ang mga suspek ng Rent Tangay Scheme na nambiktima ng higit isang daan car owners.

 

Sa kanyang memorandum, inutusan ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang Bureau of Immigration na isama sa lookout bulletin order sina ana Pamplona Borton, Lea Constantino Rosales at Rafaela Anunciacion.

 

Inutos ito ng kalihim para hindi mawalan ng saysay ang imbestigasyon ng NBI ukol sa anomalya.

 

Inatasan ni Aguirre si Immigration Commissioner Jaime Morente na ialerto ang lahat ng Immigration officers sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa.

 

Una nang naglabas ang lookout bulletin order laban sa isa pang suspek na si Tychicus Historillo Nambio.

 


 

Facebook Comments