Friday, October 16, 2026

Mga tagasuporta ni PBBM na nagtipon sa Commonwealth Avenue, umabot sa 20,000; mataas na marka, ibinigay sa pangulo sa kaniyang SONA

Nagsiuwian na ang mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtipon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, partikular sa harap ng Commission on Audit (COA).

Nagtipon ang mga ito para sa public viewing ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.

Saglit na umulan nang malakas bago mag-alas-tres ng hapon, ngunit nagpatuloy ang programa.

Kabilang sa mga tampok ang pagtatanghal ng iba’t ibang performer at banda na ikinatuwa ng mga dumalo.

Malakas din ang hiyawan ng mga tao nang makita sa widescreen ang pagdating ni Pangulong Marcos Jr. at ang panimula ng kaniyang talumpati na tumalakay sa mga hakbang ng administrasyon laban sa korapsyon.

Mataas na marka naman ang ibinigay ng mga dumalo kay Pangulong Marcos, kabilang na si Minda Panim.

Ikinatuwa rin ng ilan ang naging pahayag ng pangulo tungkol sa mataas na singil sa kuryente.

Ayon sa mga organizer, umabot sa 20,000 ang dumalo sa pagtitipon, na nagtapos din matapos ang SONA.

Naging maayos at mapayapa ang pagtitipon at walang naitalang untoward incident, maliban sa ilang nahilo dahil sa matinding init bago umulan.

Facebook Comments