Mga taong nasa likod ng mga pagsabog sa Jolo, Sulu, nasa Central Mindanao na

92

Nakatanggap ng impormasyon ang Zamboanga City Police na nasa Central Mindanao na ang mga nasa likod umano ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Police Col. John Guyguyon, Officer-in-Charge ng Zamboanga City Police Office, naniniwala silang bumiyahe na sina Abu Sayyaf Group (ASG) Mundi Sawadjaan, at ang Indonesian bombers na sina Andi Baso at asawa nitong si Reski Fantasya papuntang Mindanao.


Dahil dito, hinigpitan na ang mga checkpoint sa lugar at nag-pwesto na ng mga K9 unit sa mga vital installations at matataong lugar at todo-bantay rin sa mga simbahan.

Matatandaang una nang naglabas ng tatlong milyong pisong pabuya ang lokal na gobyerno sa pagkakahuli kina Sawadjaan at Baso.

Facebook Comments