Mga tauhan ng BI, pinagbawalang mag-leave ngayong Semana Santa

36

Pinagbawalan ng Bureau of Immigration (BI) na mag-leave ngayong Mahal na Araw ang mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa major airports.

Layon nito na matiyak na may sapat silang tauhan sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Lenten break.

Sa panahon kasi ng Semana Santa ay karaniwang dumadagsa ang malaking volume ng international travelers.


Epektibo ngayong araw, April 7 hanggang sa April 15 ay hindi na inaprubahan ng BI ang aplikasyon para sa leave ng mga immigration personnel.

Facebook Comments