Mga tauhan ng CHR at mga barangay officials, isinasama na sa clearing operation sa mga controlled area sa Marawi City

96

Marawi City – Isinasama na ngayon ng tropa ng pamahalaan ang mga tauhan ng Commission on Human Rights at ilang bbarangay officials sa pagsasagawa ng clearing operations sa Marawi City.

Pero ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo sa mga controlled area lamang sa lungsod isinasama ang mga taga-CHR at mga barangay officials at hindi sa main battle area.

Sinabi naman ni Lt. Col. Emmanuel Garcia ng Joint Task Force Marawi kasama ang mga ito sa pagpapa-padlock ng mga bahay na naiwan ng mga evacuees.


Layon naman ng hakbang na ito ng AFP ay upang maiwasan ang pagdududa sa kanila na mayroon silang ginagawang iligal sa clearing operations partikular ang bintang sa mga sundalong nagnanakaw sa mga inabandonang bahay ng mga evacuees.

Facebook Comments