Mga tauhan ng NCRPO sa Bilibid, pinabalik na sa headquarters

Tinanggal na ng NCRPO ang kanilang 200 tauhan na naka-deploy sa New Bilibid Prisons o NBP.

Ito ay matapos masangkot ang ilang pulis ng NCRPO sa pagpupuslit ng mga tabacco at mga alak sa loob ng Bilibid.

Sa isang panayam kay NCRPO Chief PBGen. Debold Sinas, kinumpirma nito na balik headquarters na muna ang kanilang mga tauhan na nadestino sa Bilibid.


Sinabi ni Sinas na kasama sa mga nirecall mula sa NBP ang 16 na pulis na inaakusahang nagtangkang magpuslit ng mga kontrabando sa NBP.

Sa ngayon, nasa floating status aniya ang 16 na hindi muna pinangalanang mga pulis ini-imbestigahan sila.

Tiniyak ni Sinas na sasampahan nila ang naturang mga pulis ng kasong administratibo at criminal.

Facebook Comments