Mga tauhan ng Office of the Sergeant at Arms, isinilbi na ang release order para sa paglaya ng dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation

126

Pumasok na sa loob ng gate ng Pasay City Jail ang mga tauhan ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA) na magsisilbi ng Release Order upang makalaya na sina Mohit Dargani at Linconn Ong na parehong nakabilanggo sa Pasay City Jail.

Eksaktong alas-8:00 ngayong umaga ng dumating ang mga tauhan ng OSAA dito sa Pasay City Jail upang isilbi ang Release Order na pirmado naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Matatandaan na ikinulong sina Ong at Dargani dito sa Pasay City Jail makaraang i-cite for contempt ng Senate Blue Ribbon Commitee dahil sa umaniy pagmamatigas ng dalawang opisyal ng Pharmally na ilabas ang financial record ng kompanya kaugnay ng Senado sa pagbili ng gobyerno ng mga supplies ng COVID-19.


Facebook Comments