Mga terminal ng PNR, dapat busisiin ng DOTr

Legazpi, Albay – Dapat umanong busisiin ng Department of Transportation o DOTr ang Philippine National Railways.

Ayon sa source ng DZXL Radyo Mo Nationwide sa RMN Legazpi, ang bawat CR ng PNR ay umaabot sa 15-million pesos na sa tamang gastusin ay aabot lamang ng 50 hanggang 100 thousand pesos.

Ito’y ayon sa ilang mga kawani ng nasabing tanggapan na nakitang ilang buwan pa lamang ay sira na agad ang mga nasabing palikuran dahil anila- ‘palpak ang contractor nito.’


Ayon pa sa mga ito, dapat sana ay maaksiyunan ito ng bagong upong hepe ng nasabing ahensiya.
DZXL558

Facebook Comments