Mga terorista, nag-aaway-away na ayon sa AFP

109

Manila, Philippines – Nagkakagulo na umano ang mga terorista sa loob ng Marawi City.

Ayon kay joint task force Marawi Spokesperson, Lt./Col. Jo-Ar Herrera – ito’y dahil sa nagkukulang na sila ng suplay at lumiliit ang kanilang pwesto.
Nakuha aniya nila ang impormasyong ito sa mga nadampot nilang mga bandido na ayaw nang lumaban.

Naniniwala ang militar na posibleng hindi inasahan ng ilang terorista na aabot sa ganito katagal ang gulo sa marawi o di kaya’y hindi naibigay ang ipinangakong pera sa kanila para sa giyerang ito.


Facebook Comments