Mga testigo sa PhilHealth anomaly, pabibigyan ng legislative immunity

Isusulong ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na mabigyan ng Senado ng legislative immunity ang mga testigo sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kinabibilangan ito nina PhilHealth Board Member Alejandro Cabading at dating PhilHealth Anti-Fraud Legal Officer Atty. Thorrsson Montes Keith.

Sa ginawang Senate hearing ay hiniling ni Cabading ang legislative immunity upang hindi sila makasuhan gamit ang kanilang mga isiniwalat sa pagdinig.


Sabi naman ni Lacson, sa pamamagitan ng legislative immunity ay mas magiging kampante rin ang loob ng mga testigo na ilabas ang kanilang nalalaman sa imbestigasyon ng Senado.

Idinagdag pa ni Lacson na kung hihilingin ng mga testigo ay maari din silang bigyan ng seguridad ng Senado.

Facebook Comments