Mga testing laboratory na bigong makapagsumite ng ulat ukol sa COVID-19, tinitingnan na ng DOH

55

Tinitingnan na ng Department of Health (DOH) ang ilang testing laboratories matapos hindi makaabot sa deadline para sa pagsusumite ng ulat sa mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipag-ugnayan na ang kagawaran sa Allegiant Regional Care Hospital sa Central Visayas tungkol sa usapin.


Maliban dito, kasalukuyan din nilang tinutukoy ang iba pang testing laboratory na hindi nakapag-update ng kanilang resulta nitong mga nakaraang araw.

Iniimbestigahan na rin ng DOH ang mga isyu sa dahilan kung bakit hindi nakapagreport ang mga ito.

Facebook Comments