Isinagawa ang malawakang inspeksyon sa lahat ng timbangan sa pamilihan at stall sa bayan ng Bani.
Layunin na matiyak ang patas na pagnenegosyo para sa mga mamimili at manlalako at maiwas sa dayaan o panlalamang.
Sa naturang aktibidad, ibinahagi naman online ng ilang residente ang kanilang reklamo sa naranasan umanong panloloko sa kilohan ng kanilang biniling produkto kaya suhestyon ng karamihan ang paglalagay ng kaukulang ‘Timbangan ng Bayan’ na madaling makita sa bahagi ng pamilihan para sa ikapapanatag ng mga mamimili.
Makakatulong din umano ang Timbangan ng Bayan dahil mayroon pa rin mga manlalako na nilalagyan ng daya ang kilohan matapos inspeksyon ng lokal na pamahalaan.
Kaugnay nito, malugod namang nakiisa ang mga manlalako maging ilang sari-sari store owners upang ipasuri ang ginagamit na timbangan sa pagtitinda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






