Mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, mas marami kumpara sa mga gumaling

32

Mas marami ang mga nagpositibo ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig kahapon, batay sa datos ng City Epidemiology Diseases and Surveillance Unit (CEDSU) na nakuha mula sa Department of Health (DOH).

Base sa datos ng DOH, 17 ang mga bagong nagpositibo sa COVID-19 kahapon.


Habang, apat lang ang mga bagong gumaling mula sa naturang sakit.

Dahil dito, tumaas din ng 13 ang bilang active cases sa lungsod, mula 43 noong Martes, naging 56 ito kahapon.

Nananatili naman sa 179 ang bilang ng mga nasawi ng dahil sa virus.

Sa kabuuang, umabot na ng 11,609 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa lungsog ng Taguig, sa kabila ng mga ginagawang hakbang ng lungsod laban sa COVID-19.




Facebook Comments