MGA TINAMAAN NG SAKIT COVID-19 SA REHIYON UNO, SUMAMPA NA SA HIGIT 70K AYON SA DOH-CHD1

18

Sumampa na sa mahigit 70,000 ang mga nagpopositibo at tinamaan ng kaso ng nakakahawang sakit na COVID-19 mula sa Rehiyon Uno ayon sa Department of Health Center for Health Development 1.

Base sa pinakahuling datos ng DOH-CHD1, September 21, 2021 monitoring, ay sumampa na sa kabuuang 71, 355 ang mga nagpopositibo mula sa apat na probinsya na kinabibilangan ng Pangasinan na may 25, 257 at Dagupan City na may 3, 596, Ilocos Norte ay nakapagtala na ng 17, 375, lalawigan ng La union na may 13, 448, at panghuli naman ang probinsiya ng Ilocos Sur na may 11, 679 na tinamaan ng sakit.


Sumampa na rin sa 58, 772 ang mga nakarekober na sa sakit habang nasa 1, 411 na ang mga nasawi.

Samantala, patuloy naman ang paghimok ng ahensya sa mga mamamayan na sana umano ay makipagtulungan sa mga patakaran ng inilalabas ng mga Pamahalaang panlalawigan at mga lokal na pamahalaan para mabawasan at hindi na dumami pa ang naitatalang infected ng COVID-19.

Facebook Comments