
Muling umaapela sa Korte Suprema ang mga dating tauhan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na mga tinaggal sa trabaho.
Hiling nila sa mga hukom ng Korte Suprema na magtakda ng oral argument sa usapin ng kanilang separation at back pay.
Giit ng grupo, naglabas na ng pinal na desisyon ang third division ng SC kung saan parehas sila ng NLRC na nag-aatas sa LRTA na tumbasan ng bayad ang kanilang serbisyo.
Inihayag ng grupo na hindi tama ang SC En Banc na baligtarin ang desisyon kung saan pinaniwalaan nito ang sinabi ng Commission on Audit (COA) pabor sa LRTA.
Taon na rin ang binilang ng kanilang ginagawang hakbang para makuha amg nararapat na bayad at ang ilan sa kanila ay pumanaw na.
Facebook Comments