Mga tiwaling empleyado at opisyal ng PhilHealth, dapat tiyaking mapapanagot kasabay ng napipintong pagpapatupad ng UHC Law

334

Manila, Philippines – Isa si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa mga nagdiwang sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Universal Health Care o UHC Law.

Sa ilalim ng batas ay otomatikong magiging miyembro ng PhilHealth ang lahat ng mga Pilipino para matiyak ang pangangalaga sa kanilang kalusugan.

Bunsod nito ay iginiit ni Recto na dapat maingatang mabuti ang pondo ng PhilHealth para masigurong matutupad ang itinatakda ng UHC law.

Ayon kay Recto, magagawa ito kung magiging mahigpit ang pagbabantay sa PhilHealth funds laban sa mga tiwaling empleyado at opisyal nito.

Giit ni Recto, dapat tiyaking maipapataw ang mas matinding kaparusahan sa sinumang mapapatunayan gumagawa ng katiwalian at nakikipag-kuntsabahan sa maanumalyang claims sa PhilHealth.

Facebook Comments