Mga tourist destination sa bansa, tiniyak ni PBBM na mas magiging accessible

Ilang mga paliparan ang nasa line up ng Marcos administration na nakatakdang gawin bilang bahagi Ng Build, Better, More.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malaki ang magagawa ng pagtatayo pa ng mga paliparan para lalong mapalago ang turismo.

Punto ni Pangulong Marcos na napakaraming magagandang lugar sa bansa ang kailangan lang ay gawing accessible ang mga ito sa mga turista.


Kapag nagawa aniya ng pamahalaan makapagpatayo pa ng mga paliparan ay siguradong dadayo ang mga turista at mapapalakas lalo ang turismo.

Sinabi pa ng pangulo, kapag nangyari na ito ay magdadala ito ng mas maraming kabuhayan sa mga lalawigan.

Facebook Comments