Mga trabahante at ilang pamilya apektado ng tensyon sa Datu Abdullah Sangki

17

Libong mga manggagawa ng Delinanas Banana Plantation liban pa sa halos dalawang daaang pamilya ang apketado sa nangyaring tensyon sa pagitan ng di pa batid na mga armado sa Brgy Tukanalugong Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.
Sinasabing nagsimula ang tensyon noong nakaraan pang araw ng martes matapos paulanan ng bala ang pamamahay ng isang Community Leader. Bina Validate pa ang impormasyong may nasawi at nasugatan mula sa dalawang mga armadong grupo.
Tatlong araw na nakasara ang Banana Plantation resulta ng pagkakaparalisa ng kanilang operasyon.
Agad namang nagpaabot ng ayuda si DAS Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa mga apektadong sibilyan habang agad ring nagsagawa ng Municipal Peace and Order Council Meeting para tuluyang masolusyunan ang umuusbong na problema.

Facebook Comments