Mga trabaho para sa mga senior citizen, dumarami – DOLE

281

Ipinagmalaki ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) na dumarami ang mga bumubukas na trabaho para sa mga Senior Citizens.

Sa datos ng DOLE, aabot sa 1.8 Million na Seniors ang may trabaho nitong 2018 kumpara sa 1.53 Million noong 2013.


Paalala ni DOLE Asec. Benjo Benavidez sa mga kumpanya, ipinagbabawal sa batas ang diskriminasyon dahil sa edad maliban sa ilang trabahong nangangailangan ng manual labor.

Para kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis, wala silang problema hinggil dito pero mas dapat bigyan ng trabaho ang mga bata.

 

Depensa ng DOLE, hangga’t kaya pa ng mga Senior na magbanat ng buto ay pwede pa rin silang magtrabaho.

Facebook Comments

From Advertisers