
Puspusan na ang power restoration ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa mga transmission line na napinsala ng pananalasa ng Bagyong Tino.
Ayon sa NGCP, nasa mahigit sampung transmission lines pa ang patuloy na inaayos ng kanilang mga tauhan na nasa ground.
Kabilang dito ang Maasin-Baybay 69kV Line; Ormoc-San Isidro 69kV line; Maasin-San Isidro 69kV Line; Calongcalong-Asturias 69kV Line; Compostela- Consolacion 69kV Line; Compostela- Carmen 69kV Line;
Nabas-Culasi-Bugasong 69kV Line; Amlan- San Carlos 69kV Line; Bacolod- San Enrique 69kV Line at Bacolod-Silay- Victorias 69kV Line.
Mayroon ding pitong 138kV at dalawang 230kV line ang kasalukuyang hindi operational.
Samantala, balik naman sa normal na operasyon ang Paranas-Quinapondan 69kV Line.
Patuloy pa ring nag-iikot ang mga NGCP line crew para makita ang lawak ng pinsala ng bagyo sa kanilang pasilidad.









