Mga Tsinong bumangga sa bangkang pangisda ng mga pinoy sa Recto Bank, dapat na mag-sorry

80

Dapat pa ring mag-sorry ang mga Tsino na sangkot sa pagbangga at pag-abandona sa 22 mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kabila ng paniniwala niyang aksidente lang ang nangyari.


Ayon sa kalihim, dapat na mag-sorry ang kapitan ng Chinese Vessel at magbayad ng danyos sa mga mangingisda.

Ipinagtanggol naman ni Lorenzana si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga kritisismo dahil sa naging pahayag nito hinggil sa insidente.

Giit ng kalihim, hindi totoong Pro-Chinese ang pangulo.

May ginagawa na aniyang hakbang ang gobyerno ukol dito at katunayan, nakapaghain na ng diplomatic protest ang DFA laban sa China.

Denepensahan din niya ang pagiging malabnaw ng pahayag ng pangulo sa ‘Recto Bank incident’ kumpara sa naging aksyon nito sa basura ng Canada.

Ayon kay Lorenzana , posibleng ungkatin niya ang Recto Bank Incident sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) na gaganapin sa Hulyo sa Bangkok, Thailand.

Facebook Comments

From Advertisers