Mga tsuper ng PUV, makakatanggap ng hanggang P25,000 na dagdag cash incentive sa ilalim ng service contracting program – DOTr

62

Inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na mamamahagi sila ng dagdag na cash incentives sa mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers sa ilalim ng service contracting program.

Ayon kay Sec. Tugade, ang dagdag na insentibo sa mga tsuper ay pasasalamat sa kanila dahil sa kanilang partisipasyon sa programa at patuloy na nagsisilbi sa mga riding public sa harap ng public transport restrictions.

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbibigay ng one-time incentive na P25,000 sa mga driver na kasalukuyang lumalahok sa service contracting program mula noong April 30.


Ang mga lalahok mula May 1 hanggang June 15 ay bibigyan ng 20,000 pesos.

Bukod dito, mayroon ding ₱7,000 kung magla-log sila sa Service Contrating Driver app ng limang beses sa isang linggo.

Facebook Comments