Mga tumulong sa pagbibigay ng psychological first aid sa mga guro at estudyante ng Marawi, pinasalamatan ng DepEd

174

Manila, Philippines – Buong pusong nagpapasalamat ang Department of Education sa mga grupong tumulong sa pagbibigay ng psychological first aid sa mga guro at estudyante na nanggaling sa Marawi City.

Kabilang na dito ang Psychological Association of the Philippines Savier University, grupong Sining Kambayoka ng Mindanao State University at Cultural Center of the Philippines

Ayon kay Assistant Under Secretary Tonisito Umali ng DepEd, mahalaga ang stress debriefing at psychological first aid para sa mga guro upang mapagaan ang kanilang kalooban mula sa epekto ng gyera sa Marawi City.


Makakatulong din aniya ito nang sa ganoon ay maging handa muli ang mga guro sa kanilang pagtuturo.

Sa ngayon, tukoy na ng DepEd ang lokasyon ng 1400 na mga guro galing sa Marawi, at mahalaga ito para maipagpatuloy ang pagbibigay ng psychological first aid.

Facebook Comments