Mga turistang bumisita sa isla ng Boracay umabot na sa mahigit 200K

27
Kalibo, Aklan — Umabot na sa 201, 368 ang kabuuang bilang ng mga turistang bumisita sa isla ng Boracay nitong nakaraang buwan ng Mayo 2022. Base sa data ng Malay Municipal Tourism Office (MMTO) nangunguna pa rin sa may pinakamarami ang mga Domestic Tourists na may 193, 298, sunod dito ang Foreign Tourists na may 4, 268 at OFWs/OFs na may 3, 802. Inaasahan pa rin ng nasabing opisina ang maraming turistang bibisita sa isla ng Boracay lalo pa’t linuwagan na ang mga requirements sa pagpasok at ang pagiging 24 oras na operation ng Kalibo International Airport ( KIA).
Facebook Comments