Tuesday, June 9, 2026

Mga utos at abiso mula sa Gatchalian-led Senate, tanging kikilalanin ng House prosecution panel sa VP Duterte trial

Tanging ang mga utos at abiso kaugnay sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte na mula sa kampo ni acting Senate President Win Gatchalian ang kikilalanin ng House prosecution panel.

Sinabi ito ni lead prosecutor Batangas Rep. Gerville Luistro sa harap ng sigalot sa liderato ng Senado kung saan iginigiit ni Senator Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang Senate President.

Ayon kay Luistro, susundan nila ang pagkilala sa liderato ni Gatchalian ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Magugunitang ng mahalal si Gatchalian bilang acting Senate President ay agad nagpahayag ng pagbati sa kanya si Speaker Dy kaakibat ang pagbibigay-diin sa kahalagahan na magpatuloy sa pagtatrabaho ang Senado.

Ipinunto din ni Luistro na kaakibat ng pag-adjourn sine die ng Kongreso nitong nakaraang linggo ang concurrent resolution mula sa Senado sa ilalim ng liderato ng Gatchalian.

Facebook Comments