Mga Valenzuelano, hinikayat na magpabakuna laban sa COVID-19

17

Inaanyayahan ng pamahalaang lokal ang lahat ng Valenzuelano na may edad 18 anyos pataas na makiisa at magparehistro na para sa libreng COVID-19 vaccine.

Diin ng Valenzuela City Government, Importante na magpabakuna tayo laban sa COVID-19 dahil maililigtas natin hindi lang ang ating mga sarili kundi maging ang mga mahal natin sa buhay.


At para magparehistro na para sa libreng VCVax, mag-log-in lang sa valtrace.appcase.net at i-click ang “Vaccine Registration” button.

Si Dr. Maria Estrella Litam na Valenzuela Medical Center Chief II ang unang medical frontliner sa Valenzuela City na tumanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Isa si Dr. Litam sa mga medical frontliner na nagpabakuna at inaasahang ito ay madadagdagan pa.

Facebook Comments