Mga vendor sa Maynila, umangkat na ng mga bulaklak para sa Valentine’s Day

Darating na sa susunod na linggo ang mga bulaklak na inangkat ng mga vendor sa Dangwa sa Maynila.

Ayon sa mga vendor, ang mga bulaklak ay inangkat nila mula sa China, Holland, Ecuador at maging sa India.

Kumpiyansa naman ang mga vendor na hindi sila malulugi sa mga inangkat na bulaklak dahil ang Valentine’s Day ay nataon ng Martes kung saan may pasok ang mga estudyante at ang mga opisina.


Sa ngayon, narito presyo ng mga bulaklak sa Dangwa;

Gerbera – 10 pcs / P250

Carnation – 10 pcs / P270

China rose – 20 pcs / P1,700

Paper roses – Bundle / P800

Bouquet roses – P700 regular price

Ecuadorian rose- P180 per pc

Tulips bouquet – P2,500

Stargazer- per stem / 150

Egg Aster- bundle / 400

Misty blue – bundle / P800

Fossilized dried flower-P800

Ecuadorian bouquet- P3,500

Facebook Comments