Mga youth leaders, nanawagan sa mga pulitiko na sulusyonan ang problema sa kapaligiran

28

Nanawagan sa mga pulitiko ang mga youth leaders na tugunan ang problema sa kapaligiran.

Ayon lider ng mga kabataan, kailangan munang masyolusyonan ang isyu sa coal energy, destructive mining at mga plastics kung gusto ng mga pulitiko ang suporta ng mga kabataan.

Ayon naman sa Philippine Movement for Climate Justice, wala silang makukuhang suporta kung kukunsintihin nila ang mga nang-aabuso sa kapaligiran.

Ang mga kabataan ay hindi lamang tagapagmana kundi tagapagtanggol din ng mundo kayat hinikayat ng youth delegate ng bantay kita, ang mga kabataan na makiisa sa nalalapit na eleksiyon.

Ang mga kabataang may edad na 18 hanggang 35 ay binubuo ng 1/3 na bilang sa 61 million voters sa 2019 Midterm Elections na nakabase sa data ng Commission on Elections.

Facebook Comments