MIAA, handa na sa pagdagsa ng Air Passengers ngayong undas

32

Nakahanda na ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA ngayong nalalapit na undas.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, all set na ang ‘Oplan Biyaheng Ayos.’


May mga itatayong Oplan Desks kung saan may mga tauhan mula sa MIAA Operations, Public Affairs, Police, at Medical Teams sa lahat ng NAIA Terminals.

May mga malasakit Help Desks naman kung saan nakatutok ito sa lahat ng may kaugnayan sa Airport at Airline Operations at sa karapatan ng mga pasahero.

Facebook Comments

From Advertisers