Miami Heat, hindi umubra sa Denver Nuggets sa iskor na 113-116

64

Hindi umubra ang Miami Heat nang ipatikim ng Denver Nuggets ang ika-40
nilang talo mula sa 77 games sa pamamagitan ng iskor na 113-116.

Nagsanib-puwersa sa opensiba sina Danilo Gallinari na may game-high na 29
points, Nikola Jokic at Wilson Chandler na kapwa nagdagdag ng 19 para sa
desperado nilang paghahabol na makasabit sa playoffs.

Samantala, dalawang games pa ang kailangan ng Denver para makapuwesto sa
pang-walo sa western conference.

Sa ngayon, may kartada na ang Miami na 37-40 para sa ika-walo na spot sa
eastern conference kahit lumasap sila ng second straight loss sa kanilang
teritoryo.

 

Facebook Comments