Miami Heat players na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa tatlo

45

Pumalo na sa tatlo ang mga manlalaro ng Miami Heat na nagpositibo sa COVID-19.

Hindi naman tinukoy ng koponan kung sino ang ikalawa at ikatlo nilang manlalaro na nagpositibo sa virus.


Nabatid na una nang nagpositibo sa COVID-19, si Heat Guard Derrick Jones Jr.

Isinara naman ng Miami Heat ang kanilang training facility para isailalim sa disinfection at iba pang mga prodecure ang lugar.

Sa ngayon, umabot na sa halos 30 NBA players ang nahawa sa COVID-19.

Facebook Comments