Michael Martinez – “confident” na makakapasok sa 2018 Winter Olympics

73

Manila, Philippines – Nakauwi na ng bansa ang figure skater na si Michael Martinez matapos ang matagumpay nitong pagsabak sa World Skating Championship sa Helksinki, Finland.

At sa Setyembre, agad na tutulak sa Germany si Martinez para masungkit ang Nebelhorn trophy na magiging daan para makapasok siya sa 2018 Winter Olympics sa South Korea.

Ayon kay Martinez, confident siya na makakapasok siya sa top 6.

Samantala, excited na si Autralian boxer Jeff Horn na makaharap ang Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao para sa kanilang laban sa July 2.

Ayon kay Horn, matinding paghahanda ang kanyang gagawin lalo pa’t ‘dream fight’ niya ang makalaban si Pacquiao.

Tiniyak naman ng promoter ni Horn na magkakaroon ng $200-milyon economic benefits ang Queensland, Australia dahil maraming turista ang manonood ng laban.
Nation”

Facebook Comments