Michael V., hindi pa raw babalik sa taping

46

Inamin ng komedyanteng si Michael V na hindi pa siya komportableng bumalik sa taping kahit pagaling na siya sa COVID-19.

Say ni Bitoy, ipinaalam na niya sa kaniyang management na hindi pa siya komportable dahil iniisip niya rin ang kapakanan ng kaniyang mga ka-trabaho.

Tanging vlog lang ang paraan niya para makapagbigay ng “preview” sa mga maaari niyang gawin ngayong home quarantine.

Kahit pagaling na sa COVID-19, hindi pa naman daw 100% okay ang kaniyang baga at hindi pa rin normal ang kaniyang pang-amoy.

Facebook Comments