Mid-Year Bonus natanggap na ng Cotabato City Employees

Noong nakaraang linggo pa naibigay sa mga kawani ng Cotabato City LGU ang kanilang MidYear Bonus, itoy ayon pa kay Secretary to the Mayor Boy Rasalan sa naging panayam ng DXMY ngayong umaga.

Bukod sa bonus, naisabay na rin ang sahod para sa buwan ng Mayo dagdag ni Sec. Rasalan.

Layun nito ay upang matulungan ang mga empleyadong may mga istudyante kasabay na rin ng pagbabalik eskwela giit pa ni Rasalan.


Samantala sa BARMM, nauna na ring inihayag ni Deputy Executive Secretary Dong Cusain na inaasahang makakatanggap rin ang mga empleyado ng ibat ibang ahensya ngunit nakadepende sa savings ng mga ito.

Sa PRO BARMM, masaya ring ipinarating sa DXMY ni Police Captain Jemar Delos Santos, spokesperson ng PNP BARMM na nairelease na rin kahapon pa an gang midyear bonus ng mga kapulisan sa BARMM.

Facebook Comments