Migo Adecer, huli matapos ma-hit and run ang 2 tauhan ng MMDA

Makati City – Arestado ang aktor na si Migo Adecer o Douglas Errol Dreyfus Adecer matapos makasagasa ng dalawang tauhan ng MMDA sa bahagi ng J.P. Rizal Street kanto ng Pertirra Street Barangay Poblacion, Makati City.

Ayon sa Makati City police, sakay ng isang puting Subaru BR2 si Adecer nang mabangga ang mga biktimang sina Rogelio Formelos Castillano at Michell Gallova na nagpapagaling na sa Ospital ng Makati.

Nagtangkang tumakas ang suspek pero agad nakahingi ng tulong sa mga pulis ang traffic enforcers na nakakita sa insidente.


Hinabol ng mga pulis si Adecer at naabutan sa bahagi ng N. Garcia Street.

Tumanggi si Adecer na ibigay ang kaniyang lisensya sa mga pulis at muling tinangkang tumakas pero bumangga ito sa isang police patrol car.

Mahaharap ngayon sa mga kasong reckless imprudence resulting in physical injuries at damage to property at disobedience to person in authority si Adecer.

Facebook Comments