MILF, dedma lang sa mga kritisismo

29

Manila, Philippines – Hindi umano nasasaktan ang pamunuan ng MILF sa mga bumabanat sa kanila dahil sa hindi pa rin pagkakapasa ng panukalang BBL.

Ayon kay BTC Chairman Ghadzali Jaafar, nauunawaan nila ang mga sentimiento ng mga nasa ground na nais na ng mga ito na maipasa at maipatupad na ang BBL para sa pagtatatag ng Bangsamoro government upang matugunan na ang Bangsamoro issues.

Kasabay nito, nanawagan si Jaafar sa bangsamoro na magkaisa para sa pagsusulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng bbl dahil naniniwala ang MILF na may pag-asa pa para sa magandang kinabukasan ng lahat, hindi lamang sa ng mga moro kundi maging ng mga kristiyano at lumad.

Facebook Comments